Ang Aming Kwento
Nagsimula sa kape.
Sino ang mag-aakala na ang isang simpleng kape sa isang ordinaryong hapon ang magiging simula ng lahat?
Ang akala naming saglit na pagkikita ay nauwi sa walang-katapusang kwentuhan—tawanan tungkol sa mga sablay na byahe, at pagbabahagi ng mga paboritong kanta.
Nang magpaalam kami nang gabing iyon, may kakaibang kaba at saya. Pareho naming naramdaman na ito na ang simula ng isang napakagandang kwento.